Ngayon ang unang araw ng pasukan namin para sa taon na 2013. 

Imagine, 4th Quarter na nang aking 4th year High School? Kay bilis nga naman talaga nang panahon noh? Parang kahapon lang nung wala pa kong pakielam sa mga bagay bagay sa school dahil 1st year pa lang naman ako at ayokong makihalubilo sa kanila... tapos ngayon naman, nage-effort akong magkaroon nang kaibigan dahil malapit nang matapos ang school year na ito at magc-college na ako, gusto ko manlang ma-enjoy yung huling taon ko as a High School student. Ayoko namang magpaka-non-conformist kaya hindi na ko masyadong mahiyain ngayon. Nasa huli nga naman talaga ang pagsisisi! :))

Ngayong 4th Quarter na, ramdam ko na yung pressure. Ngayon ko lang naramdaman noh? Happy go lucky eh. 
Tambak na naman kami nang mga gagawin. Lalo na ngayon at may Thesis kami sa Econ at sa English. By group naman siya, but still kelangan pa rin namang mag-effort, di ba? Idagdag pa yung tungkol sa JS! Eh ni hindi ko nga alam kung anong gagawin ko dun eh. Hahahaha!

Kaninang umaga kasi, pinatawag ako at yung isa ko pang kaklase nung English teacher namin. Kabadong kabado ako at lahat ng mga kababalaghan na ginawa ko noon ay pinagisipan ko pa talaga. Napaisip pa nga ako kung bumagsak ba ko sa English or what eh. Yun pala... tungkol lang sa Prom. Unang una, naguguluhan ako dahil lahat ng kasama ko about this ay naka-attend na nang Prom last year samantalang ako, ngayon pa lang aattend. Kaya wala talaga akong idea kung anong gagawin dun. Pangalawa, hindi ko expected na mapipili ako ni ma'am dun. I mean, after nung nangyare nung CLTS Grand Finale namin? Parang ang impossible naman na kunin pa ko ni ma'am. 

And lastly, hindi ako confident na makakaya ko yung responsibility na yun or kung maaabot ko yung expectations niya. But I'll try to give my best at it. Haaay. 


Good luck na lang sakin. :)
 
KAYA MO BANG IPALIWANAG YUNG LUNGKOT NA NARARAMDAMAN MO KUNG BIGLA MO LANG ‘TO NARAMDAMAN AT BIGLA KA NA LANG DIN NAIYAK?

Gaano kahirap yung maramdaman mo yung ganung klaseng kalungkutan? Yung hindi mo alam yung dahilan. Basta nalungkot ka na lang at may naramdamang kirot dyan sa puso mo. Paano mo maipapaliwanag yun sa taong gustong magcomfort sayo? Paano nga ba nila matutulungan yung taong nalulungkot ng walang dahilan? Yung basta ang sakit sakit lang talaga nung nararamdaman mo at di mo masabi kung anu nga ba talaga ang problema.

Pero di totoong di mo alam kung bakit ka nalulungkot. Alam mo talaga yan, pero tinatanggi mo lang na yun ang dahilan para may excuse ka sa mga nagtatanong kung bakit ka malungkot at pati na din sa sarili mo. Baka sakali kasing mas madali mong makalimutan yung kalungkutan na nadarama mo kung kunwari hindi mo alam yung dahilan kaysa alam mo nga, pero patuloy mo naman iniisip at patuloy lang din yung sakit at kalungkutan dyan sa pagkatao mo habang nananatili yung totoong dahilan dyan sa isip mo.

- arkitektongpinoy of Tumblr

It was on this day nang mabasa ko ang post na yan sa Tumblr... and, it hit me. 
Madalas kasing mangyare sakin ang ganyan eh. Madalas kong maramdaman... In my own vocabulary, I call it "sudden longing".

Naramdaman niyo na ba yan? 

Yung tipong ang saya mo. Alam mong masaya ka. Pero bigla na lang, out-of-the-blue, nalungkot ka. Hindi mo alam kung ano yung reason... basta nalungkot ka lang. Sabi ko nga sa sarili ko nung una ko yang maramdaman: "Pwede pala yun? Pwede ka pa lang malungkot nang hindi mo man lang alam kung bakit? Kung ano yung reason?" 

Pero sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung ano yung reason kaya naman nung sobrang nabo-bother na ako, tinanong ko si buhaybabae (Tumblr) anonymously kung naramdaman na rin ba niya yung ganyang feeling. Tapos nun, nag-uusap na kami. Humihingi ako nang advice hanggang sa mag-advice si Mr. Dreamboy (anonymous blogger). Sabi niya hindi daw pwede yun. It's either daw kasing alam ko naman talaga pero dinedeny ko lang. (hindi ko na mahanap yung exact answer niya eh) Sa totoo lang, napaisip talaga ako dun sa sinabi niyang yun. But they helped me, too. Nung nakausap ko kasi sila about that matter, medyo gumaan na yung pakiramdam ko. :)


Eto pa nga yung sinabi ni Kuya arkitektongpinoy oh:

"sakto ba yung pagkakapost ko? hahaha pero you just need to accept the fact kung bakit ka nalulungkot. you know the reason, hindi kasi talaga pede hindi mo alam. kung tatanggapin mo yung reason kung bakit ka malungkot at palayain yun baka sakaling makawala ka na sa mundo ng kalungkutan o yung longing mo for something or someone."

"hmmm di mo alam sa ngayon o ayaw mo pa talagang isipin pero dadating yung time na ikaw na mismo ang magsasabi sa sarili mo na yun nga yung dahilan kasi sa panahon na yun kaya mo na itong tanggapin at kaya mo ng paglabanan para matapos na yung kalungkutan na yan sa buhay mo."

"masasabi ding mali ako. pero na sayo pa din yan. isip, puso at buhay mo yan, ikaw ang may hawak ng control dyan kaya ikaw din ang makakagawa ng paraan para matapos lahat ng kalungkutan at mag-umpisa ng kasiyahan na pedeng maramdaman mo. pedeng dahil sa isang bagay na gusto mo o dahil sa ibang dahilan basta ang point lang ay ikaw ang sagot sa bawat bagay na involve ang sarili mong kasiyahan at kalungkutan."

"Hahaha. no problem, anytime :D
masaya pero may kulang. ganu di ba, lahat naman nararamdaman yan pero bata ka pa. madami pang mangyayari at malalaman mo din kung anung kulang na yan. basta focus ka sa priority mo ngayon at fulfill it. tapos someday baka yung dinedeny mo ay kaya mo na kasi strong enough ka na para harapin yun."




Ikaw ba? Naramdaman mo na yung "sudden longing"?
 
Isa ang If I Fall sa mga story na talagang tumatak sa puso ko. At seryoso ako na talagang tumatak siya sa puso ko. 

Dalawang buwan na nga ang nakalipas nang matapos ko yung basahin pero hindi pa rin ako maka-move on.  In-add ko pa silang lahat na characters sa FB, finallow sa twitter at nagbackread ng mga posts nila. HAHAHAHA! Lakas tama eh.

Actually, sa lahat nang nabasa ko masasabi kong simple lang naman siya, hindi ganun kabigat yung story pero kahit na light lang yung pagkakagawa niya... merong something na talagang magko-connect sayo dun sa story at sa mismong mga characters. Isa pa, makatotohanan kasi yung story na yun. Talagang mamumulat ka sa realidad nang mundo na hindi lang puro buhay pag-ibig ang iniikutan. Ang lakas nga nang impluwensya nila sakin eh at ang dami ko pang natutunan sa kanilang magbabarkada.

Pero mas malaki yung impact ni Barbs sakin. Siya kasi yung tipo nang tao na parang ako. As in. Ang pinagkaiba lang namin is: she's being herself while I'm not. Ako umaakto lang akong mala-Barbs kapag best friend ko na or close friend ko na yung kasama ko... pero pag sa ibang tao na? Iba ako. Natatakot kasi ako na walang tumanggap sa kung sino talaga ako. Eh si Barbs may mga kaibigang tanggap siya eh. Bihira lang yung ganun kaya sobrang hanga ako sa kanya. Isa pa, humahanga ako kay Barbs kasi wala siyang pakielam sa iniisip ng iba. Meron siyang personality na nagsasabing: "Ako 'to!" And that's what I love about her the most. As for the rest? 

Ganun din. Nakakahanga din yung mga personality nila. Si Rocky na sobrang magpahalaga. Si Wes na kahit playboy eh iisang babae lang pala ang katapat. Si Janine na kahit maarte eh sobrang bait naman. Si Chester na laging nasa tabi ni Janine. Si Cyrus na kahit may pagka-suplado eh mabait talaga. Si Tatin na kahit bitchy eh may mabait rin naman pala na side. Si Vivien na hindi lang sa Acads nage-excel dahil na rin sa mga kaibigan niya. At si Sir Lean na napaka-astig na teacher. Sa totoo lang, gustong-gusto kong magkatuluyan sina Sir Lean at Vivien! Sila talaga ang pinakamamahal na love team ko sa If I Fall eh. :)

Anyway, hindi ko naman talaga alam kung bakit ako sobrang na-attach sa story na yun at hanggang ngayon eh hindi pa rin ako nakakamove on. Basta, sobrang gandang-ganda ako dun! Lalo na sa flow ng story, kahit na hindi ko masyadong nagustuhan yung ending, okay lang. Worth reading kasi talaga yun! <3


At nung malaman kong may book 2 ang If I Fall which is, "This Might End Up A Story" sobrang saya ko na muntik ko nang mahampas yung laptop ko sa table. Grabe, I'm so looking forward to that! Lalo na nung mabasa ko yung nakalagay na: "This story is for the brave." Aynaku, wala na akong pake. Babasahin ko pa rin yun kahit na hindi ako makamove on at ilang taon na ang nakakalipas. Wala akong pake. 


Guys, if ever you've read this... I totally recommend If I Fall by Shirlengtearjerky. You can find her in Facebook, Scribd, and Blogspot. Deleted na kasi yung Wattpad Account niya eh. She also have a Twitter

Just give it a try. It's worth reading, pramis. :)
 
Jeshel Joy Santiago Canlas. J-squared. 

Ang taong nasa tabi ko nung mga panahon na sobra akong nalulungkot at feeling ko ay back to 0 na naman ako. 

4th year High school nang una ko siyang makilala. Nung una, naging sobrang close kami dahil sa pagkamahilig namin parehas sa Japan, anime at other stuffs na related dito. First day of school pa lang yun ah? Pero para na kaming magbest friends. Akala ko hanggang dun lang yung connection na mabubuo sa pagitan naming dalawa, pero hindi pala. 

Maraming nangyare. Maraming nagbago sa loob nang dalawang buwan. It was July when everything fell apart. Napalayo ako sa mga kaibigan ko, may ibang nawala sa buhay ko at may ibang pinabayaan ko na lang. Nung mga panahon na yun, sobrang gusto ko nang maggive up. Gustong-gusto ko nang gawin yung isang bagay na lagi kong ginagawa... ang takbuhan ang lahat at pabayaan na lang itong habulin ako. Pero everytime na tatalikod ako... laging siya ang nakikita ko. 

I'm too busy minding my own problems and myself na hindi ko napansing mas malayo pa pala siya. Ewan ko lang ah? Pero malayo kasi talaga siya sa klase namin. Feeling ko nga, ina-outcast nila siya. Pero kahit na ganun, nakangiti pa rin siya lagi. Everytime na nakaupo lang ako sa upuan ko at mapapatalikod ako, lagi ko siyang nakikita... na mag-isa. But still, hindi mo mababakas sa mga mukha niya na malungkot siya, she always seems so happy to me. 

Contented and Brave. Yun agad ang naisip ko nung mga panahon na yun. Hinangaan ko siya. Humanga ako kasi nasa sa kanya yung mga bagay na wala ako. Mga bagay na gusto ko. Ang makuntento at ang pagiging malakas. Siya ang naging inpspiration ko sa buong 4th year life ko. At hanggang ngayon, sobrang thankful pa rin ako kasi nakilala ko siya at naging parte siya ng buhay ko kahit na sa konting panahon lang kami nagkasama.

Honestly, she's the reason why I started to face my fears. Humarap ako sa mga tao kahit na alam kong sobrang mahiyain ako. Naki-conform na ako at tinigil ko na ang pagiging non-conformist ko. In-open up ko sa kanya lahat nang sakit na nararamdaman ko. At sa totoo lang, siya ang unang taong napagsabihan ko nang lahat nang yun... mga bagay at emosyon na kinimkim ko sa sarili ko nang pagkatagal-tagal. Siya ang naging reason ko para hindi matakot na ipakita kung sino talaga ako. I've been myself because of her. At sa totoo lang, sa tanang buhay ko, masasabi kong siya lang talaga yung nakakilala sakin. Siya lang talaga ang nakakilala nang totoong ako... at hindi ko pinagsisisihan yun.

I am so blessed to have met such a person like her. 

Tinanggap niya ako nang buong-buo without judgements. At naging totoo rin siya sakin. Sobrang nagpapasalamat ako dahil sa wakas, nakahanap ako ng totoong kaibigan na babae. May mga times pa nga na naiinis ako sa kanya o kaya naman makukulitan pero nagpapasalamat talaga ako dahil lagi siyang andyan para sakin.

She never gave up on me. 

Pero ngayon taon, hindi ko siya makikita sa pasukan. Sobrang nalulungkot ako. I can't imagine me going to school this Saturday not seeing her face and smile, not hearing her voice and the things about Ryosuke herlabs and others. Baka magwala lang ako. Miss ko na siya. 

I cried to sleep when I thought na papasok na ako tapos hindi ko siya makikita... wala nang yayakap sakin. Wala nang magsasabi sakin nang: "That's so Potchi." Wala nang kakanta para sakin. Siya lang kasi gumagawa nang ganun sakin. Feeling ko nga nawala yung isang parte na bumubuo nang pagkatao at kasiyahan ko nung naisip ko na hindi ko na siya  makakasama sa school.  

Grabe siya magpamiss... 

Sobrang effective! :(

OA na kung OA, la akong pake. I miss you na talaga, J-squared.

Balik na you...... :(
 
Kapag bagong taon, uso ang "New Year's Resolution". Hindi ko naman nilalahat ah? Uso lang talaga.  

As for me? No.

Nung bata pa ako, gumagawa rin naman ako nang ganyan tuwing bagong taon. Isusulat ko sa papel tapos itatago ko sa isang lugar na alam kong hindi ko yun mapapakealaman.  Tapos dadaan ang mga araw, buwan at matatapos na ang taon pero hindi ko rin naman nagagawa lahat nang isinusulat ko doon. Kaya naman, nung nagka-isip na ko at namulat na ko sa mundo. Hindi na ko kailanman gumawa nun.

Feeling ko kasi sa ganung paraan, nakaka-break ako ng promise... at yung promise na yun ay sa sarili ko pa. Kaya hindi na ko gumawa nun. I just hope that this year 2013 will be worth the try. :)