KAYA MO BANG IPALIWANAG YUNG LUNGKOT NA NARARAMDAMAN MO KUNG BIGLA MO LANG ‘TO NARAMDAMAN AT BIGLA KA NA LANG DIN NAIYAK?

Gaano kahirap yung maramdaman mo yung ganung klaseng kalungkutan? Yung hindi mo alam yung dahilan. Basta nalungkot ka na lang at may naramdamang kirot dyan sa puso mo. Paano mo maipapaliwanag yun sa taong gustong magcomfort sayo? Paano nga ba nila matutulungan yung taong nalulungkot ng walang dahilan? Yung basta ang sakit sakit lang talaga nung nararamdaman mo at di mo masabi kung anu nga ba talaga ang problema.

Pero di totoong di mo alam kung bakit ka nalulungkot. Alam mo talaga yan, pero tinatanggi mo lang na yun ang dahilan para may excuse ka sa mga nagtatanong kung bakit ka malungkot at pati na din sa sarili mo. Baka sakali kasing mas madali mong makalimutan yung kalungkutan na nadarama mo kung kunwari hindi mo alam yung dahilan kaysa alam mo nga, pero patuloy mo naman iniisip at patuloy lang din yung sakit at kalungkutan dyan sa pagkatao mo habang nananatili yung totoong dahilan dyan sa isip mo.

- arkitektongpinoy of Tumblr

It was on this day nang mabasa ko ang post na yan sa Tumblr... and, it hit me. 
Madalas kasing mangyare sakin ang ganyan eh. Madalas kong maramdaman... In my own vocabulary, I call it "sudden longing".

Naramdaman niyo na ba yan? 

Yung tipong ang saya mo. Alam mong masaya ka. Pero bigla na lang, out-of-the-blue, nalungkot ka. Hindi mo alam kung ano yung reason... basta nalungkot ka lang. Sabi ko nga sa sarili ko nung una ko yang maramdaman: "Pwede pala yun? Pwede ka pa lang malungkot nang hindi mo man lang alam kung bakit? Kung ano yung reason?" 

Pero sa totoo lang, hindi ko talaga alam kung ano yung reason kaya naman nung sobrang nabo-bother na ako, tinanong ko si buhaybabae (Tumblr) anonymously kung naramdaman na rin ba niya yung ganyang feeling. Tapos nun, nag-uusap na kami. Humihingi ako nang advice hanggang sa mag-advice si Mr. Dreamboy (anonymous blogger). Sabi niya hindi daw pwede yun. It's either daw kasing alam ko naman talaga pero dinedeny ko lang. (hindi ko na mahanap yung exact answer niya eh) Sa totoo lang, napaisip talaga ako dun sa sinabi niyang yun. But they helped me, too. Nung nakausap ko kasi sila about that matter, medyo gumaan na yung pakiramdam ko. :)


Eto pa nga yung sinabi ni Kuya arkitektongpinoy oh:

"sakto ba yung pagkakapost ko? hahaha pero you just need to accept the fact kung bakit ka nalulungkot. you know the reason, hindi kasi talaga pede hindi mo alam. kung tatanggapin mo yung reason kung bakit ka malungkot at palayain yun baka sakaling makawala ka na sa mundo ng kalungkutan o yung longing mo for something or someone."

"hmmm di mo alam sa ngayon o ayaw mo pa talagang isipin pero dadating yung time na ikaw na mismo ang magsasabi sa sarili mo na yun nga yung dahilan kasi sa panahon na yun kaya mo na itong tanggapin at kaya mo ng paglabanan para matapos na yung kalungkutan na yan sa buhay mo."

"masasabi ding mali ako. pero na sayo pa din yan. isip, puso at buhay mo yan, ikaw ang may hawak ng control dyan kaya ikaw din ang makakagawa ng paraan para matapos lahat ng kalungkutan at mag-umpisa ng kasiyahan na pedeng maramdaman mo. pedeng dahil sa isang bagay na gusto mo o dahil sa ibang dahilan basta ang point lang ay ikaw ang sagot sa bawat bagay na involve ang sarili mong kasiyahan at kalungkutan."

"Hahaha. no problem, anytime :D
masaya pero may kulang. ganu di ba, lahat naman nararamdaman yan pero bata ka pa. madami pang mangyayari at malalaman mo din kung anung kulang na yan. basta focus ka sa priority mo ngayon at fulfill it. tapos someday baka yung dinedeny mo ay kaya mo na kasi strong enough ka na para harapin yun."




Ikaw ba? Naramdaman mo na yung "sudden longing"?