Jeshel Joy Santiago Canlas. J-squared. 

Ang taong nasa tabi ko nung mga panahon na sobra akong nalulungkot at feeling ko ay back to 0 na naman ako. 

4th year High school nang una ko siyang makilala. Nung una, naging sobrang close kami dahil sa pagkamahilig namin parehas sa Japan, anime at other stuffs na related dito. First day of school pa lang yun ah? Pero para na kaming magbest friends. Akala ko hanggang dun lang yung connection na mabubuo sa pagitan naming dalawa, pero hindi pala. 

Maraming nangyare. Maraming nagbago sa loob nang dalawang buwan. It was July when everything fell apart. Napalayo ako sa mga kaibigan ko, may ibang nawala sa buhay ko at may ibang pinabayaan ko na lang. Nung mga panahon na yun, sobrang gusto ko nang maggive up. Gustong-gusto ko nang gawin yung isang bagay na lagi kong ginagawa... ang takbuhan ang lahat at pabayaan na lang itong habulin ako. Pero everytime na tatalikod ako... laging siya ang nakikita ko. 

I'm too busy minding my own problems and myself na hindi ko napansing mas malayo pa pala siya. Ewan ko lang ah? Pero malayo kasi talaga siya sa klase namin. Feeling ko nga, ina-outcast nila siya. Pero kahit na ganun, nakangiti pa rin siya lagi. Everytime na nakaupo lang ako sa upuan ko at mapapatalikod ako, lagi ko siyang nakikita... na mag-isa. But still, hindi mo mababakas sa mga mukha niya na malungkot siya, she always seems so happy to me. 

Contented and Brave. Yun agad ang naisip ko nung mga panahon na yun. Hinangaan ko siya. Humanga ako kasi nasa sa kanya yung mga bagay na wala ako. Mga bagay na gusto ko. Ang makuntento at ang pagiging malakas. Siya ang naging inpspiration ko sa buong 4th year life ko. At hanggang ngayon, sobrang thankful pa rin ako kasi nakilala ko siya at naging parte siya ng buhay ko kahit na sa konting panahon lang kami nagkasama.

Honestly, she's the reason why I started to face my fears. Humarap ako sa mga tao kahit na alam kong sobrang mahiyain ako. Naki-conform na ako at tinigil ko na ang pagiging non-conformist ko. In-open up ko sa kanya lahat nang sakit na nararamdaman ko. At sa totoo lang, siya ang unang taong napagsabihan ko nang lahat nang yun... mga bagay at emosyon na kinimkim ko sa sarili ko nang pagkatagal-tagal. Siya ang naging reason ko para hindi matakot na ipakita kung sino talaga ako. I've been myself because of her. At sa totoo lang, sa tanang buhay ko, masasabi kong siya lang talaga yung nakakilala sakin. Siya lang talaga ang nakakilala nang totoong ako... at hindi ko pinagsisisihan yun.

I am so blessed to have met such a person like her. 

Tinanggap niya ako nang buong-buo without judgements. At naging totoo rin siya sakin. Sobrang nagpapasalamat ako dahil sa wakas, nakahanap ako ng totoong kaibigan na babae. May mga times pa nga na naiinis ako sa kanya o kaya naman makukulitan pero nagpapasalamat talaga ako dahil lagi siyang andyan para sakin.

She never gave up on me. 

Pero ngayon taon, hindi ko siya makikita sa pasukan. Sobrang nalulungkot ako. I can't imagine me going to school this Saturday not seeing her face and smile, not hearing her voice and the things about Ryosuke herlabs and others. Baka magwala lang ako. Miss ko na siya. 

I cried to sleep when I thought na papasok na ako tapos hindi ko siya makikita... wala nang yayakap sakin. Wala nang magsasabi sakin nang: "That's so Potchi." Wala nang kakanta para sakin. Siya lang kasi gumagawa nang ganun sakin. Feeling ko nga nawala yung isang parte na bumubuo nang pagkatao at kasiyahan ko nung naisip ko na hindi ko na siya  makakasama sa school.  

Grabe siya magpamiss... 

Sobrang effective! :(

OA na kung OA, la akong pake. I miss you na talaga, J-squared.

Balik na you...... :(